SINAG 2018

Author:Mr. Lemmuel B. Lacbay

Date Published:2018-09-05  02:30 AM

Other News
news

ACTS’ SENIOR HIGH SCHOOL VIRTUAL GRADUATION DAY 2020

Author: Ms. Deniella Alias

Date Published: 2020-12-15 12:00 AMnews

ACTS’ SENIOR HIGH SCHOOL VIRTUAL STUDENTS’ ORIENTATION 2020

Author: Ms. Maria Lourdes D. Monteramos

Date Published: 2020-12-15 12:00 AMnews

30TH COMMENCEMENT VIRTUAL COLLEGE GRADUATION

Author: Mr. John Steven A. Bacube

Date Published: 2020-12-15 12:00 AMnews

ACTS Conducts Its First Virtual Recognition Day for Senior High School

Author: Ms. Hannah Zsanice V. Maulawin

Date Published: 2020-12-15 12:00 AMnews

ACTS COMPUTER COLLEGE HATID-ARAL SA BARANGAY

Author: Prof. Abiekhay Camillee U. Lavastida

Date Published: 2020-12-15 12:00 AM

Muli na namang pinatunayan ng mga mag-aaral ng ACTS Computer College ang kanilang husay at galing sa pag-awit, pagbigkas at pag-sayaw sa naganap na Convocation 2018 sa Santa Cruz Central Elementary School, Setyembre 1, 2018.

Makukulay na kasuotan at masigabong palakpakan at hiyawan ang bumalot sa bulwagan sa tuwing magpapamalas ng talento ang mga mag-aaral. Nagkaroon ng paligsahan sa spoken poetry, maramihang tinig, sabayang pagbigkas, katutubong sayaw at makabagong sayaw. Bago ang nasabing araw, hinati sa apat na pangkat ang mga mag-aaral. Ang pangkat ng ABM Strand, ang pangkat ng ICT Strand, ang pangkat ng HUMSS Strand at ang pangkat ng pinagsamang STEM-GAS Strand. Sa tulong ng kanilang mga masisipag na team leaders, nakapaghanda at nakapag-ensayo nang maayos ang bawat pangkat na lalahok sa paligsahan.

Nagbigay din ng mga natatanging bilang ang mga mag-aaral sa kolehiyo. Maramihang pag-awit, katutubong sayaw at makabagong sayaw ang kanilang ipinamalas na lalong nagpatingkad sa okasyon. Sa huli ay itinanghal na panalo sa spoken poetry ang kalahok ng pangkat HUMSS samantalang nakamit naman ng mga mag-aaral ng ABM Strand ang unang gantimpala sa Maramihang Tinig, Sabayang Pagbigkas, Katutubong Sayaw at Makabagong Sayaw.

Tunay nga na hindi matatawaran ang husay na ipinamalas ng mga mag-aaral. Nagpapatunay lamang na ito na ang mga ACTStistas ay maasahan hindi lamang sa akademiks kundi maging sa iba pang gawaing magpapaunlad sa iba pang aspeto ng kanilang buhay. Ang SINAG (Sining, Indak, Awit, Galaw) 2018 ay isa na namang matagumpay na programang ACTS Computer College